Young actor nakalimot sa mga nagpapakain nang umasenso!

Noong araw nakakasalo namin sa pagkain sa ibang canteen ng isang network ang young actor. Prangka siya. Wala raw siyang pera kaya makikikain sa amin ng ilang katoto, okay lang naman sa amin.

Ngayon nakaangat na ang said actor. Parang nakalimutan niya noong nagpapalibre pa siya ng food. 

Kasaysayan ng INC malalahad

Tatlong henerasyon ng mga Manalo ng Iglesia ni Cristo, sina Ka Felix (original founder), Eduardo, at Eraño, ang nakapaloob sa pelikulang Sugo (The Last Messenger) na ang nag-produce ay ang mismong nasabing sekta nila na finally ay mabibigyan na ng katuparan sa 2014.

 Ibinigay na ang mga pangalan na bubuo sa Sugo, sina Sen. Bong Revilla, Jr., Rep. Lani Mercado, Albert Martinez, at Richard Gomez. Kabilang din sina Snooky Serna, Gladys Reyes, Christopher Roxas, Richard Quan, Arlyn dela Cruz, at ang walang kupas na singer na si Anthony Castelo. Si Direk Tikoy Aguiluz ang hahawak sa itinuturing na epic movie in 2014.

Matagal na itong pinaplano ng Iglesia at balak talaga nilang isabay sa ika-100 taon ng kanilang simbahan. Itinatag sa pangunguna ni Kapatid Felix Manalo noong 1914 ang INC. Mas marami pa tayong malalaman sa kanilang kasaysayan kapag sinimulan na ang pagsyu-shooting ni Direk Tikoy.

Gladys makinis pa rin kahit sabong panglaba ang ginagamit ’pag naliligo

Kapansin-pansin ang kinis at puti ni Gladys Reyes. Kahit naka-tatlong anak na ang aktres ay walang bakas ng marka sa katawan. Ang alam ko, ’pag nagbuntis ang isang babae, kasama ng ilang parte ng katawan niya ang mga pagbabago. Tulad ng kamot sa tiyan, pangingitim at pangungulubot ng kili-kili at kuyukot, pagmamantsa ng leeg, pero ayun nga, kahit katiting ay walang nagbago sa flawless skin ni Gladys.

Wala siyang whitening lotion. Happy nga siya dahil kung ano ang kutis niya noong dalaga pa siya, taglay pa rin niya ngayon na tatlo na ang anak nila ni Christopher Roxas. Kung minsan pa nga raw sabong panglaba ang nagagamit niyang pang-ligo. Ows?

Show comments