^

Pang Movies

Stage mother ng aktres nalulong sa sugal, pati apartment nabenta na!

SO...CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kawawa naman ang stage mother dahil nasaid na pala ang kabuhayan nito at umaasa na lang sa pamilya na pinakasalan ng kanyang anak.

Matagal na ngang nag-quit sa showbiz ang kanyang anak dahil kuntento na ito sa kanyang buhay may-asawa. Kaya lahat ng kanyang inipon ay ipinagkaloob na niya sa kanyang ina para wala na siyang poproblemahin pa.

Pero ang nangyari ay nalulong ang stage mother sa sugal at nabarkada sa mga mayayaman kaya nakisabay ito sa paggastos.

Ending, naubos ang malaking halaga na iniwan sa kanya ng kanyang anak na sana ay ipangtatayo niya ng negosyo.

Ultimo ang apartment na binili ng kanyang anak para sa kanya ay nalaman na lang na nakasangla dahil sa mara­ming utang ni stage mother.

Hiyang-hiya tuloy ang anak ni stage mother dahil wala na itong mapuntahan pa at mahingian ng tulong.

Ngayon ay kinuha na lang siya ng isang bahay na ang asawa ng kanyang anak ang nagbabayad.

Nag-iisip na nga tuloy na magtrabaho na ulit ang anak para lang matulungan nito ang kanyang inang lumustay ng kanyang datung.

Pero hindi na sa showbiz kundi baka sa call center na lang ang balak na trabaho ng anak ni stage mother.

Arjo Atayde bibida na

Natupad na nga ang anak ni Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde na mabigyan ng bidang teleserye mula sa ABS-CBN.

Sa January na magsisimula ang pagbibidahan niya at ni EJ Falcon na Dugong Buhay. May pagka-action-drama ang naturang teleserye at excited na si Arjo na magsimulang mag-taping.

Fresh pa mula sa kanyang pagkapanalo bilang best new TV personality sa Star Awards for TV si Arjo kaya nagpapasalamat ito sa mga blessing na bigay ng Kapamilya Network sa kanya.

Ang father naman ni Arjo, ang businessman na si Art Atayde ay gusto namang makatapos ito ng kanyang kurso sa entrepreneurship sa The One School in Makati City.

Nag-leave of absence si Arjo dahil naging busy siya sa showbiz pero babalik siya para tapusin ang kurso niya bilang pangako sa ama niya.

Lovi maglalamyerda sa Pasko

Mukhang matutupad na ang hiling ni Lovi Poe na makapagbakasyon siya ngayong Pasko.

Gagawin na kasi sa Dec. 23 ang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 kaya puwede siyang makapag-Christmas vacation out of the country kasama ang kanyang inang si Rowena Moran.

Dalawa kasi ang pelikula ni Lovi sa MMFF. Ito ay ang Thy Womb with Nora Aunor at Shake, Rattle & Roll 14 with Vhong Navarro.

May rule kasi sa MMFF na kailangang present ang lahat ng artista sa parada or else mamumultahan ang mga producer. Kaya hindi na gumawa ng anumang plano si Lovi for Christmas at dito na lang sila mag-spend ng holidays.

Pero dahil sa na-move back ng isang araw ang parade, agad ngang nag-inquire na si Lovi ng mga puwedeng pagbakasyunan.

Mag-advance taping na raw siya for Yesterday’s Bride.

Gusto ni Lovi na wala siyang maiwan na trabaho para maayos siyang makapagbakasyon.

 

vuukle comment

ANAK

ARJO

ARJO ATAYDE

ART ATAYDE

DUGONG BUHAY

KANYANG

KAPAMILYA NETWORK

KAYA

LOVI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with