^

Pang Movies

Ka Valerie, hindi handang maging misis

SO...CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit nagwakas na ang apat na taong relasyon ni Valerie Concepcion sa basketball player na si Dondon Hontiveros ay nanatili pa rin naman silang magkaibigan. Napakuwento nga ng konti ang sexy actress sa nangyari.

 “Wala na pong kasal. Nagulo po ulit kasi. Pero walang third party involved. Ako ‘yung umatras.

 “We were supposed to get married na pero at one point in my life, parang ang dami kong biglang pinag-iisip na ang ending lang eh, hindi pa pala ako ready and ayoko pang magpakasal,” paliwanag ni Valerie.

Malaki naman ang pasasalamat ni Valerie dahil sa kanyang relasyon with Dondon ay naging mas malapit pa siya sa Diyos.

 “Ang maganda sa nangyari sa amin ay ang bigla kong pagkakalapit kay Lord. Hindi ko naman sinasabi na wala kaming paki before. Pero mas naging malapit ako in the sense na mas madalas na ako magsimba. And every Wednesday nga nagba-Baclaran pa ako.

 “Hindi naman religious as in puro dasal. ‘Yung kaya parang nagiging klaro ang mga decision na ginagawa ko. Nakaka-ask na ako ng guidance kaya nagiging malinaw na rin ang mga pinag-iisipan ko sa choices that I make.

 “Natuto lang akong maging maka-Diyos,” kuwento pa ng akres sa amin.

Nakikipag-date na ulit si Valerie para maka-move on na siya sa dati niyang relasyon.

Wally takot maiskandalo sa mga babae

Busy na mula Lunes hanggang Sabado si Wally Bayola dahil bukod sa Eat Bulaga ay meron pa siyang Celebrity Bluff na kasama niya sina Eugene Domingo at Jose Manalo.

Isama pa nga ang gabi-gabi nilang show sa Klownz at Zirkoh, Quezon City.

Kaya nagpapasalamat si Wally sa sobrang blessings na dumarating sa kanya.

“Pinapangalagaan ko lahat ng mga dumarating na biyaya sa akin. Meron akong pamilya—sila ang nakikinabang sa mga kinikita ko araw-araw.

 “Gusto ko na masaya sila sa mga blessing ko. Nagtatrabaho naman tayo para sa mga mahal natin sa buhay,” sabi ni Wally.

Kaya nga iwas talaga ang komedyante pagdating sa mga panunukso ng mga babae lalo na kapag meron silang mga out-of-town shows ni Jose Bayola.

Inamin naman ni Wally na noong wala pa siya sa showbiz at miyembro siya ng banda ay hindi niya mapigilan noon ang mambabae.

 “Meron din naman pero depende rin naman po kung pa-patulan ninyo o hindi.”

Ngayon daw ay good boy na si Wally at ayaw niyang masangkot sa anumang tsismis na ikasasama ng kanyang pangalan at ikasisira ng kanyang pamilya.

Charlie Sheen binigyan ng $100K

si Lindsay Lohan para makabayad sa tax

Pinatunayan ng Hollywood actor na si Charlie Sheen ang kanyang pagiging generous despite sa mga naging tsimis sa kanyang kakaibang behavior.

Ayon sa E! News, binigyan ni Sheen ang troubled Hollywood actress na si Lindsay Lohan ng $100,000 para mabayaran nito ang kanyang malaking utang sa tax.

Ayon sa mga close kay Sheen, may history talaga ito na tumutulong sa kanyang mga kaibigan lalo na kung may kinalaman financially.

Nalaman naman ng TMZ na hindi tinanggap ni Sheen ang kanyang talent fee na $250,000 bilang guest  sa Scary Movie 5. Ang kanyang paycheck ay ibinigay niya as donation sa tatlong magkakaibang charitable institutions.

vuukle comment

AYON

CELEBRITY BLUFF

CHARLIE SHEEN

KANYANG

LINDSAY LOHAN

NAMAN

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with