^

Pang Movies

Kaplastikan ni Barbie ipinagtanggol pa ni Derrick Monasterio

ISYU AT BANAT - Ed De Delon - Pang-masa

Anuman ang sabihin ninyo sa ngayon, hindi natin maikakaila na ang talagang sumikat  sa mga tween star na tinatawag nila ay si Barbie Forteza. Siya lamang ang may serye sa primetime. Ang ibig sabihin, talagang may tagasubaybay na siya.

Kung ang artista naman ay nasa ganyang sitwasyon, asahan mo na ang mga paninira. Ewan pero kami kasi wala pa kaming nasusubukang ganoon kay Barbie. Tuwing makakausap naman namin siya ay magalang siya at okay. Hindi namin alam kung sino ang nagsasabing ang lahat nang makausap niya ay tinatarayan niya.

Ipinagtanggol din naman agad si Barbie ng kanyang leading man na si Derrick Monasterio at sinabing misunderstood nga lang siguro ang kapareha. Kasi si Barbie, talagang straight kung magsalita. Sasabihin niya sa iyo kung ano ang inaakala niyang tama. Ang sinasabi nga ni Derrick, mas mabuti naman ang taong ganun kesa sa plastic.

Mas madali nga namang pakisamahan ang mga taong prangka kung magsalita kasi sa simula pa lang alam mo na kung ano ang gusto nila at ayaw nila. Alam mo na kung ano ang palagay nila sa mga bagay-bagay. Kung ayaw mong mag-away kayo eh huwag mo na lang pakialaman. Kesa naman doon sa plastic na akala mo okay lang sa kanya ang lahat ’tapos pagtalikod mo ay kung anu-ano na ang sinasabi laban sa iyo.

Kami man, ilang panahon na rin naman na­ming kilala ng personal si Barbie, pati ang kanyang mga magulang, at sa tingin namin sumikat man ang teen actress ay hindi pa rin naman siya nagbabago ng kanyang ugali. 

Piolo nagagamit si Shaina?

Hoy, ano na naman ’yan?! Si Piolo Pascual inili-link naman ngayon kay Shaina Magdayao? Pati ba naman ang bata gagamitin sa ganun? Aba eh noong nasa That’s Entertainment pa sila kasama si Vina Morales, si Shaina pa ang baby na dala-dala nila, ’tapos ngayon ili-link kay Piolo?

Inili-link nila si Shaina kay Piolo sa panahong kung anu-anong issue nga ang lumalabas tungkol sa aktor at hindi man dinidiretsa sa publiko, parang sinabi na rin ni Sharon Cuneta ang dahilan ng breakup ng Kapamilya actor kay KC Concepcion hindi ba?

This is one time na ang paniwala namin, dapat magsawalang kibo na lang muna si Piolo sa kung anuman ang naglalabasang issue. Mali na sa panahong ito ay mag-damage control pa siya dahil lalo lamang siyang mapapasama kung gagawin niya iyon. Isipin n’yo, ngayon pati si Shaina ginamit na?

Relief and rescue mobile ng UNTV inaangkin ng iba

Tumawag sa amin si Adjes Carreon ng UNTV para sabihin lang na ipaalala naman namin sa iba na sila ang nauna talaga sa paglalagay ng mga relief and rescue mobile na ang layunin ay tumulong sa mga biktima ng aksidente at mga nanga­ngailangan.

Mukhang may ibang umaangkin na sa kanilang project na iyon.

vuukle comment

ADJES CARREON

BARBIE

BARBIE FORTEZA

DERRICK MONASTERIO

KUNG

NAMAN

PIOLO

SHAINA

SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with