Ryzza Mae vindicated sa mga naranasang panglalait sa mga dating nakalaban
MANILA, Philippines - Nakaranas din ng panlalait ang Little Miss Philippines (LMP) 2012 winner ng Eat Bulaga na si Ryzza Mae Dizon kaya naman umaani siya ng tagumpay ngayon dahil sa angking kabibuhan.
Noon kasing grand finals ng LMP, mga mestisa at Ingliserang bata ang kalaban ni Ryzza. Tanging siya lang ang mukhang native at Tagalog magsalita. Sa totoo lang, na-eliminate na noon ang bagets pero napasali siya sa wild card kaya pumasok uli ang byuti niya sa finals.
Tinaray-tarayan si Ryzza ng isang mestisang bata. Dedma lang naman daw siya. Pero nang tawagin ang name ni Ryzza na grand winner, smile-smile lang ang bagets sa batang nagtaray sa kanya na wari’y nagsasabi ng, “Talo ka, ’no?”
Eh hindi naman nagkamali ang Bulaga sa pagpili kay Ryzza bilang winner. Natural na natural ang pagiging komedyana ng bagets na handang makipagsabayan ng pagpapatawa kina Vic Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, at iba pang komedyante sa noontime show. Gumawa pa siya ng kantang Cha Charap komo nga patok na patok ang bersiyon niya ng sayaw na chacha, huh!
Kaya naman pasok agad si Ryzza sa filmfest entry ni Bossing kasama sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Judy Ann Santos na Si Enteng, Si Agimat at Si Ako. Sa tuwa sa kanya ni Juday, isang pambatang director’s chair ang regalo niya habang iPad naman ang gift kay Ryzza ni Sen. Bong!
Thea Tolentino dinadaga sa aktingan
May daga na sa dibdib ang grand female winner ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break na si Thea Tolentino ngayong sasabak na siya sa aktingan sa Teen Gen (Teen Generation) na off-shoot ng sikat na youth-oriented series na T.G. I. S. Eh tanging sila ng kapwa winner na si Jeric Gonzales ang may TV exposure sa main cast dahil sa reality show ng GMA na sinalihan nila.
“Maraming fans ang T.G.I.S. noon kaya mataas ang expectations nila. Sabi nga sa amin ni Direk Mark, sobrang taas ng inaasahan nila sa amin,” pahayag ni Thea nang aming makausap.
Eh kumusta na siya ngayong grand winner ng Protégé? Anu-ano ang nabago sa kanya?
“Kung dati sobra akong mahiyain at hindi sumasali sa activities… lagi akong parang kinakabahan. Ngayon mas kalmado na ako at nagkaroon na ng self-confidence,” katuwiran ng grand winner ng Protégé.
Max hindi takot kay Marian
Hindi natatakot si Max Collins kay Marian Rivera dahil sa Pahiram ng Sandali, ang boyfriend ng aktres na si Dingdong Dantes ang kakalantariin niya sa drama series na mapapanood na bukas. Mas kinabahan nga siya sa kissing scene niya kay Dong nang maglaplapan sila dahil ’yun ang unang eksena sa pagsisimula ng soap.
“Mas pressure ako lalo na’t ngayon ko lang nakatrabaho si Direk Maryo J. de los Reyes. Eh nagawa ko naman ’yung eksena kaya doon ako happy,” rason ni Max nang aming makausap.
Nagpaalam ba siya kay Marian bago gawin ang kissing scene?
“Since professional lang naman po, it’s just work. So, work lang po ang trato namin sa eksena at sa trabaho. Pero mabait si Kuya Dong,” tugon ng baguhang aktres na sunud-sunod ang big break sa GMA na hindi naranasan sa Channel 2.
- Latest