Kris natakot sa selos ni Kylie

Nag-alala pala si Kris Bernal na magselos sa kanya si Kylie Padilla lalo na sa ginawa nilang halikan sa nagtapos na Coffee Prince.

Pero ayon kay Kris wala namang dapat ipagalala sa kanya dahil wala siyang karelasyon ngayon.

Mara kabibi liban sa palitan

Natutuwa kami sa anak ni Maribel Lopez na si Mara Lopez dahil bida siya sa drama-thriller movie na Palitan kung saan isa siyang batang asawa ni Alex Vincent Pineda na may affair sa kanyang boss.

Ito’y tribute kay Direk Peque Gallaga sa movie na Scorpio Nights na kabilang sa entries ngayong taon sa Cinema One Originals Film Festival na magisisimula sa November 28, 2012 sa Robinsons Galleria Movie World at Shang-rila Cineplex.

Sinabi ni Direk Ato Bautista, ang Palitan ay malapit sa Scorpio Nights as described by many as a magnificent exercise to erotic movie making.

Si Mara ay naging top 2 sa Survivor Philippines Season 4.

Bilang professional surfer, nagsimula ito sa pag-arte sa edad na 9 kung saan inilunsad siya bilang artista sa Ang TV Kids ng ABS-CBN at Star Magic

Batch 13.

Max mami -miss si Benjamin

Inamin ni Max Collins na mami-miss niya ang mga kasamahang artista sa Coffee Prince laluna ang kaparehang si Benjamin Alves. Nasa stage sila ng getting to know each other. Balak siyang ligawan ni Benjamin. Pero nakasentro ngayon sa kanyang career si Max.

Show comments