John Lloyd at Bea, magpapakilig sa A Beautiful Affair grand fans day

MANILA, Philippines - May back-to-back na sorpresa sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, at iba pang cast ng A Beautiful Affair sa gaganaping Grand Fans Day ng top-rating na Kapamilya teleserye ngayong Linggo (Nov 25), 4 p.m. sa SM City North Edsa Skydome .

Kiligin, maki-bonding, at makisaya sa mga ini­han­dang activity ng programa kabilang na ang paglulunsad ng inaabangang A Beautiful Affair of­fi­cial soundtrack (OST) mula sa Star Records. Ang carrier single ng album ay ang theme song ng tele­serye na After All  na inawit nina Martin Nievera at Vina Morales sa musika ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra. 

Sa kauna-unahang pagkakataon, aawitin din nina John Lloyd at Bea ang  Naaalala Ka mula sa A Beautiful Affair OST na ka­sa­l­ukuyang ipinagbibili sa Astroplus outlets nationwide. Katumbas ng bawat album na bibilhin sa Astroplus ang dalawang ticket para sa Fans Day na maaring kunin sa ticket booth ng Skydome. Magpe-perform din sa espesyal na one-time event na ito ang iba pang Kapamilya artists na tampok sa soundtrack tulad nina Yeng Constantino, Richard Poon, at Liezel Garcia.

Samantala, mamarkahan din ng Grand Fans Day ang pagl­ulunsad ng John Lloyd & Bea: A Starstudio Special,  isang ekslusibong edisyon ng magazine na naglalaman ng never-before-seen photos at features na nagbabalik-tanaw sa makulay na sampung taon ng love team nina John Lloyd at Bea. Ang bawat kopya ng magazine na mabibili sa National Bookstore outlets ay katumbas naman ng isang ticket para makadalo sa Fans Day.

Show comments