Ngipin at ilong lang daw Lani M. dinepensahan ang mga ipinaretoke!
MANILA, Philippines - Part ng bagong singing search ng TV5 ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha at sobrang saya niya na makabilang bilang judge sa bagong programa ng Kapatid Network. Makakasama niya rin sa Kanta Pilipinas sina Rico Blanco at Ryan Cayabyab. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit umuwi ng Pilipinas ang magaling na singer.
Pero bago ito ay nag-guest muna siya sa mga show sa ABS-CBN gaya ng Sarah G. Live, Gandang Gabi Vice, Talentadong Pinoy, at sa anniversary concert ni Regine Velasquez na Silver.
“Sa kanyang muling pagbabalik at pagiging aktibo sa local TV ay marami ang nagulat sa laki ng pagbabago ng kanyang hitsura kaya marami ang nagsasabing marami siyang ipinaretoke noong nasa Amerika siya.
“I just did my teeth and then people thought I already did my nose and had this done. I’m starting with my teeth because it is necessary for us kasi lagi namang nakikita ’yan sa TV. People are starting to have speculations,” depensa pa ni Lani.
Pero inamin din niyang may nabago sa kanyang ilong kaya nag-iba ang kanyang hitsura.
“I had it done in Las Vegas. It’s not a surgery or anything. There’s this technology na ini-inject lang. So, I had something injected here, it’s not silicon or anything. That’s why nadagdagan ’yung bridge ko,” deretsahang pag-amin pa nito tungkol sa kanyang sinasabing “salamat po doctor” beauty.
Malaking bahagi ng kanyang trabaho bilang isang performer na maging presentable sa likod o harap man ng camera kaya hindi siya natatakot na gawin ang mga bagay na ito para sa kanyang ikagaganda.
Say nga niya, “It is not for anything else, but I really want to feel more comfortable in front of the camera. And, of course, who doesn’t wanna look good?”
Nagbiro rin ang Nightingale na gusto niyang subukan ang malaganap na ngayong science innovation na stem cell therapy.
“You know what, I’m so intrigued with the stem cell. If this is going to make us look better, why not?
“I’d go for that, especially if it’s free!” sabi ni Lani kasabay ang malakas na tawa.
- Latest