Dahil matagal-tagal ding hindi gumawa ng pelikula si Quezon City Mayor Herbert Bautista, nanibago siya nang mag-shoot siya para sa pelikulang Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion na Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Regal Entertainment, Inc. ngayong December.
Tinanggap ni Bistek ang movie dahil isa siya sa original cast ng SSR noong unang gawin ito. Sa Manananggal episode siya nakasama at si Direk Peque Gallaga ang direktor at tumanggap pa nga sila ng best actor at director dahil dito.
This time, sa bagong Shake…, si Chito Roño naman ang direktor pero say ni Bistek, ang laki ng pagkakaiba ng filmmaking noon at ngayon. Hindi niya alam na modernized na pala ang paggawa ngayon ng pelikula.
Noong araw ay wala namang CGI (computer-generated imagery) at noong araw sa Captain Barbell (pinagbidahan niyang movie), kung saan ka lilipad, lalagyan pa raw ng green backing.
“Nung first day of shooting ko, sabi ko, iba na ang camera. Naghahanap pa ako ng film, ’yung ganun. Ngayon, iba na, ’yung digital na malaki na.
Kuwento ng actor-politician: “Wala nang rolling. Dati kasi, sisigaw ng ‘rolling!’ ’tapos ‘sounds!’, ngayon wala na, parang TV na, ’tapos wala kang maririnig na ingay. Dati ’yung pelikula nung araw, maingay, may sounds na ‘grrrhh,’ ngayon hindi.
“Maraming direktor. Merong lighting director at may CGI director na pinakikinggan ng overall director na si Chito Roño.
“And then, dati, dahil mahal ang negatibo, isa lang ang camera, except for big scenes. Pero ngayon, dahil wala nang negatibo, tatlong camera sabay-sabay!”
Say pa ni Bistek, mas nakatipid ang producer na si Mother Lily Monteverde ngayon dahil wala nang negatives, pero kinontra ito ng Regal matriarch dahil mas madugo ang paggawa ng mga ganitong klaseng pelikula ngayon.
Anyway, nag-enjoy talaga ng husto si Bistek sa paggawa ng pelikulang ito lalo pa nga’t kasama niya ang mga dating mga nakasama nang sina Janice de Belen, Arlene Muhlach, and Dennis Padilla kaya ang gulu-gulo nila sa set.
Pinag-uusapan nila ay ’yung mga kalokohan nila nung bata pa sila at ’yung mga pagkakaroon ng koneksiyon ng bawat isa.
“So, ’yung mga internal tsismis ng pamilya, saka ’yung mga personal, napag-uusapan and then nadadaan na lang sa tawa,” kuwento ni Herbert.
When asked kung magtutuloy-tuloy na ba ang paggawa niya ng pelikula, an Mikoy Morales nakita ang totoong kulay nina Jolina, Roderick, at Phillip
Ayon kay Mikoy Morales, napakarami niyang natutunan sa sinalihan niyang artista search na Protégé: The Battle for the Big Artista Break na nakasama siya sa Final Top 6.
Bagama’t hindi siya ang pinalad na magwagi sa ginanap na grand finals last October kung saan ay si Jeric Gonzales nga ang grand winner among the three boys, ayon kay Mikoy, tanggap niya nang buong puso ang desisyon at dahil naging magkakaibigan sila during the competition, masaya raw siya para kay Jeric.
“Sobrang dami ko pong natutunan sa Protégé lalo na sa aking mentor na si Jolina Magdangal,” sabi ni Mikoy nang makapanayam namin siya.
Isa raw sa pinakamahalagang natutunan niya, dapat ay nag-e-enjoy ka at gusto mo ang ginagawa mo.
“’Yung kapag gusto mo talaga, saka nag-e-enjoy ka, susunod na lang lahat eh. ’Yung disiplina, ’yung mga paraan na gagawin mo para makamit mo ’yung goal mo talaga. Parang mayroon ka nang nakatatak sa buong katawan mo na ito ’yung gusto mo, dito ka masaya, makukuha mo lang ’yun kapag dinirek mo ’yung sarili mo. Kapag nakinig ka sa mga tamang tao. Kapag dinisiplina mo ang sarili.
“Actually, karamihan, most of the time, mas totoo pa sila kesa sa mga taong hindi artista eh. Lalo na nang nakilala ko sina Sir Roderick (Paulate), sina Tatay Phillip Salvador, sina Ate Jolens, totong-totoo sila. Na lahat ng sinasabi nila, nararamdaman ko ’yung sincerity, nandoon lahat, compared sa mga tao na wala sa showbiz, na sila nga ’yung hindi umaarte pero bakit sa totoong buhay umaarte sila?” malalim na sabi ni Mikoy.
Mikoy is only 18 years old pero hindi pa niya alam ang plano ng GMA 7 sa kanya at ang manager na raw niyang si Becky Aguila ang dapat tanungin tungkol dito. Pero sa kasalukuyan ay halos every week siyang nagge-guest sa Party Pilipinas every Sunday at may guestings din siya sa iba pang shows ng Kapuso.