Kambal nina Zoren at Carmina kasabwat sa kasalan!
Nagkita kami ni Dolor Guevara sa parlor ni Bambbi Fuentes noong Huwebes. “Secret” ang sagot ni Dolor nang itanong ko kung saan siya pupunta.
Nalaman ko ang secret na tinutukoy ni Dolor dahil mabilis na kumalat noong Huwebes ng hapon ang balita na nagpakasal sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Natuloy na rin pala sa wakas ang pagpapakasal ng dalawa na unang plano ng GMA 7 nang magkaroon sila ng morning talk show sa Kapuso Network noong 2010, ang Love ni Mister, Love ni Misis.
Hindi natuloy ang balak ng GMA 7 pero two years later, natupad ang pangarap ni Carmina na maging legitimate Mrs. Zoren Legaspi.
Hindi lamang sina Carmina at Zoren ang masaya. Maligayang-maligaya rin sina Cassy at Mavy, ang kanilang kambal na anak na kasali sa pagpaplano sa surprise wedding.
Nag-enjoy si Cassy dahil gaya ng kanyang mga magulang, mahilig din siyang umarte. Type na type niya ang eksena na kiyeme-kiyemeng inaaway ng kanyang ama ang isang cameraman.
Nahilo at muntik nang mahimatay si Cassy dahil sa sobrang excitement habang pinapanood niya ang pag-iisang dibdib ng kanyang mga magulang. Pinigilan ni Cassy ang sarili na huwag mahimatay, kesehodang hilong-hilo na siya.
May mga nagtatanong sa akin kung ano ba raw ang itatapat ng Startalk sa Carmina-Zoren wedding dahil host si Carmina ng aming rival show.
Startalk may pantapat…
Hmmm, iniisip ko na magpakasal kami ngayon ng live sa TV ni Papa Joey de Leon pero may malaking problema, nasa London siya para sa show ng Eat Bulaga. Alangan naman na magpakasal kami via phonepatch? Imposible rin na magpakasal ang bride na wala ang groom ‘no?
BB wanted, tiyak naloloka at tumitili sa naganap na kasalan
Siyempre, wanted si BB Gandanghari ng press para sa reaksiyon niya sa pagpapakasal ng kanyang ex-wife.
Knowing BB, sasabihin niya na happy siya for Carmina and Zoren. Huwag tayong mag-expect ng violent reaction from BB dahil matagal na silang hiwalay ni Carmina. May kanya-kanya na silang buhay. Okray kung sasabihin ni BB na nalungkot siya.
Baka nga naloloka at tumitili si BB ng walang sound kapag ipinapakita sa TV ang mga footage noong lalake pa siya at magkasama sila ni Carmina.
Ang layu-layo na ng physical appearance ni BB sa kanyang dating itsura. Walang mag-iisip na naging action star si BB noong si Rustom pa siya.
Regular na nagkikita sina BB at Zoren sa taping ng Enchanted Garden ng TV5. Hindi nag-iiwasan ang dalawa dahil pinagtagpo sila ng TV5, bago inumpisahan ang taping ng kanilang eco-serye
Sina BB at Carmina na lang ang hindi pa nagkakaharap mula nang mag-decide si Rustom na bigyan ng katuparan ang dream niya na maging babae.
- Latest