^

Pang Movies

8 MMFF entries puro makabuluhan

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Magaganda at makabuluhan ang napiling walong official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula ngayong Kapaskuhan. Inihayag din ni Atty. Francis Tolentino ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF ang mga napiling limang New Wave films.

Siguradong dadagsain ito ng mga manonood sa pagbubukas ng mga pelikula sa Pasko.

Ang 2012 MMFF ay magdaraos ng Parade of Stars sa Dec. 23 (Sunday) at ang gabi ng Parangal ay sa Dec. 27. Ito’y magtatapos sa Jan. 7.

Aimee nagkaproblema sa Pusong Bato

Naging emosyonal ang singer na si Aimee Torres, ang original singer nang sumikat na kantang Pusong Bato at paboritong awitin hanggang ngayon ng mga bata.

Sa kanyang sariling presscon tinalakay kung sino ang tunay na may-ari ng kanta dahil may bagong bersiyon ito na inaawit ni Rene “Alon” de la Rosa ay released by Alpha Records. Si Alon kasi ang nag-compose ng kanta.

Sinabi ni Aimee na binili nila ng kanyang mga magulang ang kanta kay Alon noong 2003 at may kontrata pa na pinirmahan nila.

Komo sila na ang may-ari dahil nagkabayaran na, wala na ritong pakialam si Alon, ’di ba? Kaya nagulat sila nang maglabas ng album si Alon at nakapaloob ang Pusong Bato.

Sa ngayon ay itinatanggi naman ni Alon na nagkaroon ng bentahan ng kanta at kung patuloy itong pabubulaanan ng composer ay baka magkaroon ng demandahan. Kung itutuloy ni Alon ang pagri-release ng album sa Alpha Records ay parang pagnanakaw ito ng karapatan ni Aimee, ’di ba?

Nasa YouTube at Internet ang dalawang bersyon ng Pusong Bato, ang kay Aimee at ang kay Alon, kaya nalilito ang mga tao kung sino ba talaga ang orihinal o talagang singer ng Pusong Bato.

AIMEE

AIMEE TORRES

ALON

ALPHA RECORDS

FRANCIS TOLENTINO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NEW WAVE

PARADE OF STARS

PUSONG BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with