MANILA, Philippines - Naglatag ng ilang kundisyon si Mel Tiangco bago siya tumangong muli sa pagbabalik sa ere ng weekly drama niyang Magpakailanman. Ibinulalas niya kasi sa presscon ng series ang sama niya ng loob nung gustong ipa-announce sa isang edisyon ng Star Awards na mawawala na sa ere ng programa.
Eh kaso pinatulan ng GMA 7 ang kundisyones niya kaya naman wala na siyang tanggi na muling i-host ang drama anthology.
“One of the conditions when they offered this again to me was, sabi ko, I want to see changes. I want new elements in the show. Gusto ko may pagbabago sa show. Directly, I told Redgie (Magno, assistant vice president sa drama division). ’Pag wala, ayoko. ’Pag ’yun din ang gagawin ko, same as before, ayoko na.
“Gusto ko, I want to see me more. More Mel Tiangco in the show. My persona in the show. So taking off from there, gusto ko makikita ko, first and foremost, basically, a news personality. Gusto ko may element ng news. I am a public servant. I want that element also. So, ito ’yung pagbabago na pagsisikapan naming i-incorporate sa new Magpakailanman,” pahayag ni Mel na humingi ng tissue upang punasan ang luha sa kanyang mga mata.