^

Punto Mo

PNP, binabantayan ang 12 bayan sa Central Luzon! – Maranan

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

INIREKOMENDA ni PRO3 director Brig Gen. Redrico Maranan sa Commission on Elections na ilagay sa areas of concern ang 12 bayan sa Central Luzon sa darating na 2025 midterm elections.

Sa ngayon, manageable ang political situation sa Central Luzon at patuloy pang minomonitor ng pulisya ang peace and order situation habang papalapit na ang election period sa Enero 12. Ipinaliwanag ni Maranan na ayon sa history, may mga areas sa Nueva Ecija, Bataan, Bulacan at Pampanga na may intense political rivalry.

“May mga violent incidents rin na nangyari sa mga nakaraang eleksyon. Kaya ngayon, yung mga lugar na yun ay ating tinututukan. Kasama din sa mga ni-recommend natin for further monitoring at dinadagdagan natin yung mga resources natin na nandoon, kasama na yung pagdadagdag ng mga pulis at yung ating mga logistical resources,” ani Maranan. Eh di wow!

Sina PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, AFP chief Gen. Romeo Brawner at top police at military officials ay magkukulong sa PNP Command Center sa Camp Crame nitong 11:00 a.m. para pag-usapan ang political situation sa Pinas.

Dito sa nasabing meeting na isusumite ni Maranan ang kanyang rekomendasyon para matugunan kaagad ito sa lalong madaling panahon. Kapag ang isang lugar kasi ay inilagay sa area of concern, kapag masyadong serious ang situation at maaring ilagay ito sa ilalim ng Comelec control.

Kapag hindi naman malala ang sitwasyon, ipasailalim ito sa estriktong monitoring ng PNP at AFP para iwasan ang pagsiklab ng kaguluhan. Sanamagan!

Kung sabagay, kasama na sa rekomendasyon ni Maranan ang pagdagdag ng pulis at resources sa 12 municipalities, na hindi naman muna niya binanggit. Dipugaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Plano rin ni Maranan na magsagawa ng 24/7 checkpoint operations, kasama ang Comelec, sa strategic areas ng Central Luzon para hindi lang i-neutralize ang private armed groups (PAGs), kundi para kumpiskahin ang mga baril na walang kaukulang exemption sa Comelec.

Umpisa sa Enero 12, i-implement ng PNP ang gun ban sa lahat ng sulok ng Pinas. Inamin ni Maranan na mayroon pang natirang nag-iisang PAGs sa Central Luzon at ‘yaon ay nakabase sa Nueva Ecija.

Aniya, magde-deploy s’ya ng karagdagang 200 police personnel sa Nueva Ecija, para hindi magamit ang nasabing PAGs ng pulitiko. Abayyyyy tumpak lang ang plano ni Maranan, ‘no mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

“Itong PAGs na ito ay nandoon sa probinsya ng Nueva Ecija. Binabantayan at mino-monitor na ng PNP ang kanilang galaw. Sa katunayan, nagdagdag na tayo ng mahigit 200 pulis sa probinsya ng Nueva Ecija nang sa gayon ay malimitahan natin ang galaw nitong mga miyembro ng PAGs na ito,” ani Maranan.

“Nakatuon ang pansin natin doon sa ating pagtalima sa mandato ng ating SILG na buwagin lahat ng mga criminal gangs at private armed groups. Sa katunayan, sa Region 3, nitong last quarter ng 2024 ay nakabuwag tayo ng limang criminal gang,’ ang dagdag pa ni Maranan. Mismooo!

Mula Oktubre hanggang Disyembre 2024, nakakumpiska ang Central Luzon police ng aabot sa 1,346 na samu’t saring baril sa kanilang checkpoint operations. Para maiwasan din ang gulo, sinimulan na ni Maranan na i-relieve ang mga pulis na may mga kamag-anak na pulitiko na tatakbo sa Mayo. Abangan!

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with