Tom, may baby boy na?!
UNTI-UNTI nang nagpapasilip ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ng mukha ng kanilang baby girl.
Pero sabi ng ilang malapit na kaibigan ng mag-asawa, parang mas kamukha raw ng baby si Daddy Derek, pero maputi nga lang.
Wala pa silang sinasabi kung kailan ang face reveal, pero nagko-comment sa kanilang Instagram post na matagal pa raw nila ipapakita sa publiko.
Nakikita rin sa mga comment na mukhang close sa kanila at ilan na ang tumatawag ng Baby Liana.
May napili na nga raw silang pangalan at dalawang name daw ito na nagsisimula sa letter M ang first name, at E ang second name.
Tinext namin si Derek kung iyun nga ang tawag nila sa kanilang first baby ni Ellen, pero hindi pa siya nakasagot.
Good vibes lang sa mga cute na post ng mag-asawa, pero hindi pa rin maiwasan ang mga nagne-nega.
Hindi na nakatiis si Ellen, sinagot niya ang komento ng isang basher na sana raw hindi maitsa-puwera si Elias. Sinagot na ito ni Ellen ng; “sana mag-isip-isip ka Rin.”
Kinuyog tuloy itong nagkomentong ito ng ibang kaibigan at supporters nina Derek at Ellen.
Parang hindi nga naman nag-isip itong nagkomento na ‘di dapat talaga patulan.
Samantala, kinakalkal naman ngayon itong kay Tom Rodriguez na IG story na parang sketch niya ng isang baby boy.
Totoo nga kayang boy ang baby nito sa kanyang non-showbiz girlfriend sa Amerika?
May ilang reliable source ang nagsabi na nanganak na nga raw ito nung umuwi ang Kapuso actor sa Amerika. Pero wala pa rin siyang sinasabi tungkol dito.
Sabi nga ng ilang netizens, “time is the ultimate truth teller.” Abangan na lang natin.
Abogado ni Rita, ayaw nang patulan si Sandro
Ayaw nang patulan ni Atty. Maggie Abraham-Garduque ang post ni Sandro Muhlach sa kanyang IG story dahil ang naturang abogado rin ang nag-represent kay Rita Daniela na nagsampa ng reklamong Acts of Lascioviousness laban kay Archie Alemania.
Ini-screen shot ni Sandro ang interview kay Atty. Garduque na kung saan ay sinabi nitong hindi madali para kay Rita, bilang isang babae na ilahad ang krimeng ito.
At sinabi ni Sandro sa caption nito na; “completely agree with you @attymaggie mahirap talaga mag come forward kaya victims ad survivors should never be blamed or made to feel guilty for what happened to them. But wow, how ironic Atty. that now you’re standing with a victim of an assault. Justice will prevail!!!”
Sabi ni Atty. Maggie, ayaw na raw niyang sagutin, pero sana in-explain daw ito kay Sandro ng kanyang abogado. “He has his lawyer who can explain to him the work of the lawyers,” pakli ni Atty. Maggie.
Ipinorward na lang niya sa akin ang mga comments ng mga netizens na pinapaintindi kay Sandro na trabaho ito ng abogado na mag-represent kahit na sinong kinasuhan o yung mag-aakusa.
- Latest