2-0 lead iginuhit ng Boston vs Indiana
BOSTON — Nagpasabog si Jaylen Brown ng playoff career high 40 points para pangunahan ang Celtics sa 126-110 pagrapido sa Indiana Pacers sa Game Two ng Eastern Conference finals.
Nagdagdag sina Jayson Tatum at Derrick White ng tig-23 points at tumipa si Jrue Holiday ng 15 points at 10 assists para sa 2-0 lead ng Boston sa kanilang best-of-seven series ng Indiana.
Pinamunuan ni Pascal Siakam ang Pacers sa kanyang 28 points.
Ang Indiana ang mamamahala sa Games There at Four sa Linggo at Martes (Manila time).
Nalimitahan si Tyrese Haliburton sa 10 points at 8 assists bago nagkaroon ng left hamstring injury sa third period.
Kinuha ng Pacers ang 27-22 abante sa frst quarter bago kumamada ang Celtics para iposte ang 61-52 sa pagbubukas ng third period.
Bumida si Siakam mula sa kanyang dalawang jumper at dalawang three-point shots para idikit ang Indiana sa two-point deficit sa fourth quarter.
- Latest