^

Probinsiya

Family outing nauwi sa trahedya: Mister nalunod sa pool ng resort

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pauwi na sana ang isang pamil­yang nag-outing sa isang resort subalit nauwi pa ito sa trahedya makaraang malunod ang kanilang kasamang mister na natagpuan sa ilalim ng swimming pool kamakalawa sa Villa Feliciana Resort Indang Cavite.

Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang buhay ng biktima na kinilalang si Aeron Toledo Tonyang, 38 anyos, residente ng Brgy. Balubad, Silang, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan nag-aayos na ng mga gamit ang pamilya ng biktima at pauwi na sana nang mapansin nilang wala ang biktima. Agad nilang hinanap at inakalang nag-CR lamang subalit hindi nila matagpuan hanggang sa makita ito sa ilalim ng swiming pool na may lalim na 5 talampakan.

Agad na isinugod ang biktima sa MV Santiago Medical Clinic subalit hindi na ito naisalba pa.

 

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with