^

Pang Movies

Tom, umaasang magiging ok rin sila ni Carla

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Tom, umaasang magiging ok rin sila ni Carla
Tom

Kakaibang happiness ang nararamdaman ngayon ng Fil-Am actor na si Tom Rodriquez ngayong isa na siyang ganap na ama sa kanyang eight-month-old son sa kanyang non-showbiz (and foreigner) partner.

Divorced na (sa Amerika) ang actor sa kanyang ex-wife, ang kapwa niya Kapuso na si Carla Abellana na nakipaghiwalay sa kanya only a few months after their wedding.

Ang kanyang kalungkutan at depression ay napalitan ng kakaibang saya nang makilala niya ang kanyang bagong partner at magkaroon sila ng supling na inabutan ng kanyang namayapang (American) ama.

Although pinoproteksyunan niya ang privacy ng kanyang partner, hindi naman maaalis sa actor ang sobra niyang kasiyahan nang dumating sa kanilang buhay ang kanilang anak (na isang boy) na ayaw rin niyang ipakita ang mukha.

While he’s not yet on friendly terms with his ex-wife na si Carla, umaasa naman ang singer-actor na darating din ang pagkakataon na magiging okey silang dalawa lalupa’t pareho silang nasa bakuran ng GMA.

TOM RODRIQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->