Hiyasmin (58)
“Wala kang balak na hanapin ang iyong Kuwaiti father, Hiyasmin?’’ tanong ni Dax.
Tapos na silang kumain ng hapunan pero nasa mesa pa rin.
“Wala po.’’
“Bakit naman?’’
“Wala po akong nararamdaman na gusto ko siyang makita.’’
“Kasi ang ilang anak ng ibang lahi, nagsisikap silang matunton ang kanilang ama o ina kaya, ikaw ay ayaw.’’
“Basta po wala akong interes. At isa pa po, kung halimbawa at gawin ko yun, baka masira lang ang pagsasama ng father ko at wife niya. Siyempre ang alam ng wife ay walang anak ang husband niya tapos bigla akong lulutang—baka ako pa ang maging dahilan sa pagkasira ng relasyon nila. Mas mabuti na pong manahimik.’’
“Sabagay may katwiran ka. Pero paano kung ikaw naman ang hanapin ng Kuwaiti father?’’
“Ah okey lang po.’’
“Matutuwa ka?’’
“Baka po—lalo na kung pamamanahan niya ako, joke!’’
Nagtawa si Dax.
“Kaya lang masasama raw ang ugali ng Kuwaiti,’’ sabi ni Dax pagkaraan.
“Nababasa ko nga po sa news. Maraming inaabusong Pinay maid.’’
“May maid na Pinay na ginahasa at pinatay sa Kuwait,’’ sabi pa ni Dax.
“Nakakatakot pala dun.”
(Itutuloy)
- Latest