Dalupan trophy ibibigay sa Bolts
MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon ay gagawaran ng parangal ang buong coaching staff ng Meralco Bolts sa PBA Press Corps Awards Night.
Tatanggapin ng Bolts coaching staff ang Baby Dalupan Coach of the Year award mula sa grupo ng mga sportswriters na nagkokober ng PBA beat sa 30th edition ng kanilang annual awards ngayong gabi sa Novotel Manila Araneta City.
Inangkin ng Meralco ang una nilang PBA championship sa franchise history mula sa isang six-game upset sa San Miguel sa Philippine Cup Finals.
Sina coach Luigi Trillo, active consultant Nenad Vucinic at deputies Gene Afable, Reynel Hugnatan at Sandro Soriano kasama si consultant Norman Black ang bumubuo sa coaching staff ng Bolts.
Nauna nang nakuha ni Trillo ang karangalan na ipinangalan sa tinaguriang ‘Maestro’ ng Philippine basketball na si Virgilio ‘Baby’ Dalupan noong 2012-13 season nang igiya niya ang Alaska franchise sa kanilang huling PBA championship sa Commissioner’s Cup.
Dadalo ang mga miyembro ng Dalupan clan sa event na inihahandog ng Cignal para personal na iabot ang Dalupan trophy sa Meralco coaching staff.
Si dating PBA Commissioner at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Renauld ‘Sonny’ Barrios ang special guest of honor.
- Latest