^

Dr. Love

Huwag maniwala sa hula

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mapagpalang araw po sa inyo. Tawagin n’yo na lang akong Chona, 23 anyos, dalaga pa. Naniniwala ba kayo sa hula?

Maganda po ako at maraming manliligaw. Kaso po, ayaw kong makipag-boyfriend at takot din akong mag-asawa. Kasi po, noong high school ako ay nagpahula kaming magkakaklase sa Quiapo. Pangit po ang hula sa akin. Makakapag-asawa raw ako ng malupit at nanggugulping asawa at mamamatayan ng anak.

Hanggang ngayon ay nakatanim ang hulang ito sa aking isip. Pero gusto ko ring magpamilya pero inuunahan ako ng takot.

Ano ang gagawin ko?

Chona

Dear Chona,

Huwag paniwalaan ang hula. Ang dapat mong gawin ay kilalaning mabuti ang mga nanliligaw sa iyo. Kilatisin mo ang pag-uugali para makaseguro kang mabuti ang kanilang pagkatao.

Bakit magpapakatandang dalaga ka dahil lang sa hula? Ang magiging kapalaran mo ay depende sa gagawin mong mga desisyon na kailangang pag-aralan ng mabuti.

Dr. Love

CHONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with