^

Police Metro

Barko sa Manila Bay pinigil ng PCG sa ‘paihi’

Ludy Bermudo - Pang-masa
Barko sa Manila Bay pinigil ng PCG sa ‘paihi’
Naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila Bay ang isang barko na umano’y sangkot sa oil smuggling at dito ay inaresto ang pitong tripulante habang ang barkong MV Palawan ay hinila papuntang Pier 13, South Harbor, Port Area, Manila para sa imbestigasyon.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pinigil ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko na may pitong tripulante ang nahuli sa karagatan ng Manila Bay dahil sa umano’y pagnanakaw ng gasoline o paihi, kama­kalawa ng gabi.

Sinabi ng PCG na ang BRP Boracay nito ay nakita, alas-10:30 ng gabi ang barkong MV Palawan na may lulan umanong smuggled na diesel fuel.

“Habang patungo sa Bataan para dagdagan ang operasyon ng MTKR Jason Bradley, nakita ng BRP Boracay (FPB-2401) ang MV Palawan na may hindi pa matukoy na dami ng umano’y smuggled na diesel fuel na sakay,” sabi ng PCG.

Ayon sa PCG, tinatawag ding “paihi” ang ilegal na aktibidad na ito.

Ang MV Palawan ay patungo sa Navotas nang ito ay madakip. Sa pagbanggit ng impormasyon mula sa mga tripulante, sinabi ng PCG na kinuha nila ang fuel cargo mula sa isang tugboat.

Hinila ng BRP Boracay ang MV Palawan sa Pier 13, South Harbor, Port Area sa Maynila para sa karagdagang imbestigasyon.

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with