^

True Confessions

Suklam  (114)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“DAHIL tatlong beses na tayong nagkita sa araw na ito, hindi ko na ha­hayaang maging apat,’’ sabi ni Brent kay Leah.

“Anong ibig mong sabihin, Brent?’’

“May pamahiin kasi sa amin na kapag tatlong beses na kayong nagkasalubong sa loob ng isang araw, dapat yayain nang mag-snack ang nakasalubong.”

“Ganun ba ‘yun?’’

“Oo. Pamahiin sa amin ‘yun.’’

“Paano kung hindi su­mamang mag-snack ang nakasalubong—paano kung ayaw niya?’’

“Aba e di suwerte nang nagyayaya dahil hindi siya magagastusan!’’

Nagtawa si Leah.

“Ano Leah, baka hindi ka nagmamadali e magmeryenda muna tayo. Kahit coffee and doughnut. Para naman malubos ang tatlong beses nating pagkikita sa araw na ito.’’

“Sabagay malaki ang utang na loob ko sa’yo. Na­pulot mo ang wallet ko. Kung ibang tao siguro ang nakapulot e baka hindi na naisauli sa akin.”

“Ah maliit na bagay ‘yun. At saka hindi ko naman pag-iinteresan dahil parang walang laman ang wallet…joke lang, ha-ha-ha!’’

“Uy meron namang laman ang wallet. Para patu­nayan kong meron, sige mag-coffee tayo at akong taya.’’

“Ah hindi puwede. Ako ang nagyaya kaya ako ang magbabayad.’’

“E di sige.’’

“Halika na.’’

Tinungo nila ang sikat na coffee shop na malapit lang sa kanilang kinaroroonan.

Nang nasa coffee shop na sila, masarap ang kani­lang pagkukuwentuhan na parang matagal na silang magkakilala.

“Talaga bang mag-aanak ka sa binyag tomorrow, Leah?’’

“Oo. Pamangkin ko. Unang­ pamangkin. First time akong magnininang.’’

“Aba parehas tayo, first time rin akong magnininong. Anak ng kasamahan ko sa opis ang kumuha sa akin.”

“Sabi kapag nasimulan daw ang pag-aanak sa binyag e sunud-sunod na.”

“Parang totoo nga. Kasi next week, meron uli akong aanakin.’’

“Siguro malaki kang magpakimkim kaya ka kukunin.’’

“Baka nga!”

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with