High Blood
Lumabas na ang tunay na dahilan kung bakit dehins naglaro si Justin Brownlee sa recent Asian Games.
Nung una, ang sabi eh injury. Ako naman, honestly, dahil matagal siya sa America, ang akala ko gumaling na sa injury pero wala sa kundisyon.
Alam mo naman sa America, masarap ang chibog. Baka kako nanaba.
Pero sa Senate hearing last week, inamin ni Gilas coach Tim Cone na may health issues ang 38-year-old na Brownlee kaya dehins nakalaro sa Asian Games at kaya wala pa rin sa Ginebra sa Governors’ Cup.
At dahil lawa siya, from gold medal in 2023 to ninth place ang Gilas sa Asian Games sa Japan.
Saklap!
Sayang at dehins umubra ang mga replacements natin na naturalized players. Si Ange Kouame eh naka-kontrata sa Europe habang si Bennie Boatwright naman, dehins umabot ang Philippine passport.
Sa akin, dyan nagkulang ang basketball officials natin. Kaya nga may backup eh para may pamalit.
Kumbaga sa kotse, flat ang gulong mo pero flat din ang reserba mo.
Ang tanong ngayon, dahil sa edad na rin ni Brownlee, makabalik pa kaya siya?
‘Yan ang aabangan natin kahit na hopeful si coach Tim na may chance pa naman.
Mag 120/80 lang si Brownlee, babalik ‘yan.
Baka may farewell conference.
- Latest

















