^

PSN Opinyon

Happy 80th Birthday, Sir Joey!  

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

October 14 ay birthday ng nag-iisang Henyo Master Joey De Leon kaya, first week palang ng buwang ito, may mga pa-surprise at pa-tri-via na sa kanyang 80th birthday! (may lahing bampira ‘yang si Sir Joey!) 

Bilang nakasama ko sya sa Wow Mali ng maraming taon, appear ako nung unang Sabado ng October at sumalang sa The Age is Right. 

Pagdating ng pangalawang Sabado, appear ulit ako para i-represent naman ang show din naming Celebrity Samurai at sumalang sa Gimme 5. (gumana ang suki card ko ha! rumeregular ang guest appearance!)

Ang Gimme 5 ay ang bagong version ng sikat na Pinoy Henyo ng Eat Bulaga. (so no need to explain, kasi alam yan ng mula Appari hanggang Jolo!) 

Three teams ang naglaro, Ang Team Bulaga nina Ryzza Mae Dizon at Teacher Jai. (na teacher teacher-an ang karakter nila!), Team Wow Mali nina Serg Ilarina at Pekto (mga original batch, ako kasi sa second batch na!) at ang Team Celebrity Samurai namin ni Rufami. (eto ‘yung parang Takeshi’s Castle ng TV5 noon!) 

Umabot kami ni Rufami sa second round, pero sina Ryzza at Jai ang pumasok sa Jackpot Round. (parang never ata ako nanalo sa Pinoy Henyo tuwing sumasali ako!)

Ang araw na iyon ang pinaka-selebrasyon ni Sir Joey sa show kaya dinagsa na ito ng mga surprise guests. 

Nag-video message si Ms. Mel Tiangco na nakasama nya sa show na Mel and Joey. Ikinuwento nya mga masayang samahan nila noon ni Sir Joey. (na lagi raw syang pinagtitripan!) 

May pa-video greeting din si Michael V na binanggit ang mga naibigay sa kanyang paintings ni Sir Joey. (na di raw nya ibebenta kay Boss Toyo!)  Um-appear naman sa studio ang SexBomb, sina Jimmy Santos, Janno Gibbs at Toni Gonzaga. (na na-insecure ako sa kasexyhan ha!) 

Nag-perform naman ang apo niyang si Jakob. (cutieee boy!!!) Syempre may special message sina Bossing Vic Sotto at Senator Tito Sotto (ibang level talaga ang brotherhood ng mga ito!) at ang misis nyang si Ms. Eileen, mga anak na sina Jocas (na napa-cry sa message nya), Jio at Jako. (na matagal ko nang crush ha!)  Bongga rin ang pang finale, dahil kinantahan sya ni Megastar Sharon Cuneta.  (na kahit puyat ang ate mo from work, fly pa rin para sa Tito Joey nya!)

Hindi maiwasang maging emosyonal ni Sir Joey sa mga pa-surprise sa kanya , (humataw din ang staff sa mga research nila ha!) at napasabi sya ng: “Thank you, today is the best celebration, best birthday ever. “ (you deserve all the best in the universe, Sir Joey! Love, light and blessings always! Love you po!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

BIRTHDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with