^

PSN Opinyon

Torre, pomopogi dahil sa maraming accomplishment!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Flash report: Nagpamiting noong nakaraang Linggo sa Petals KTV si alyas Jun Pulo. Nag-iikot sa Quezon City si Jun Pulo at ibinabando na siya na ang tagadampot ng NCRPO, CIDG, NBI at City Hall. Abayyy “atapang atao” si Jun Pulo, ‘no mga kosa? Hinahamon niya ang mga “bagong kampeon”. Kalalabas lang sa kulungan ni Jun Pulo at imbes na i-enjoy niya ang kalayaan baka balik kulungan siya sa pagiging maligalig. Mismooo!

Pinatindi ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre lll ang kampanya laban sa cigarette smuggling sa Pinas. Kung sabagay, hindi lang ang pekeng sigarilyo ang nakaatang na trabaho kay Torre kundi maging sa destab, kriminalidad, droga, at iba pa. “You name it” at t’yak andun ang mga operatiba ni Torre na lumalaban para patahimikin ang kapaligiran o komunidad sa Pinas. Get’s nyo mga kosa?

Sa totoo lang, napansin na ng Palasyo si Torre dahil sa pagtitiyaga niyang maaresto si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy, na humaharap ng samu’t-saring kaso sa korte. Nakakulong ngayon si Quiboloy sa Pasig City jail at mukhang hindi n’ya nahulaan ang magiging hinaharap. Araguyyy! Hehehe!

Sunud-sunod na kasi ang accomplishment ni Torre laban sa cigarette smuggling na maging si President Bongbong Marcos ay nabahala na dahil sa report na P9 billion ang taxes na nawawala sa kaban ng bayan. At nitong nakaraang linggo, aabot sa P28.9 milyong ismagel na sigarilyo ang nasabat ng CIDG operatives sa Bgy. Patalon, Zamboanga City.

Nakumpiska ng CIDG Field Unit, in coordination sa Bureau of Internal Revenue, at iba pang law enforcement agencies ang 506 master cases ng assorted ismagel na sigarilyo. Natuklasan na ang mga sigarilyo ay walang BIR stamps, na ibig sabihin hindi nagbayad ng tamang buwis ang may-ari nito. Dipugaaa! Kaya lang bakit walang inaresto sa naturang accomplishments? Ang sakit sa bangs nito!

Teka, teka, wag muna mag-Marites mga kosa dahil patuloy pa ang imbestigasyon ng BIR Regional Investigation Division para makasuhan ang may-ari ng ismagel na sigarilyo. Ang inihandang kaso ay ang paglabag sa R.A. 8424 (National Internal Revenue Code of 1997). Ang mga nakumpiskang ebidensiya mga kosa ay kasalukuyang nasa custody ng BIR sa Zamboanga City for inventory at proper documentation. Hayun, swak sa banga na itong may-ari ng smuggled goods. Tumpak!

“The CIDG assures the public of its unwavering commitment to enforcing anti-criminality campaigns and putting a stop to illegal and criminal activities. Dahil ang gusto ng pulis, ligtas ka,” ani Torre! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Si Torre ang binabantayan ng mga kabaro niya habang papalapit ang retirement date ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa Pebrero. Kapag nagtuluy-tuloy ang accomplishments ni Torre, baka siya ang kauna-unahang Lakan na maging PNP chief. Hehehe! Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!

JUN PULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with