^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Allowance ng healthcare workers, binulsa ng mayors

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Allowance ng healthcare workers, binulsa ng mayors

NATAPOS ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas noong Hulyo 21, 2023 makaraang ideklara ng Department of Health (DOH). Inisyu ng Malacañang Proclamation No. 297 na opisyal nang nag-aalis sa state of public health emergency.

Mahigit isang taon nang nakakahulagpos ang bansa­ sa pandemya mula nang manalasa noong 2020 na ikinamatay nang 66,000 katao. Mistulang bangungot ang pagkalat ng sakit na naghatid ng takot. Sa isang iglap, lumaganap at maraming nahawa. Napuno ng mga pasyente ang mga ospital na pati ang parking area ay ginawang ward. Walang tigil ang yaot ng mga ambulansiya.

Wala ring pahinga ang healthcare workers (HCWs) —doctors, nurses, x-ray tech, medtech, nursing aid at iba pa. Halos wala na silang pahinga sa dami ng mga ina-admit na mga pasyenteng may COVID.

Ang masakit marami rin sa HCWs ang tinamaan ng sakit at namatay. Sila ang mga unang biktima ng COVID. Nakaharap sila sa mabagsik na virus. Naka­babad sila sa ospital. Wala silang magagawa kundi tuparin ang tungkulin. Mayroon silang sinumpaang tungkulin na maglilingkod sa kapwa.

Ang nakadidismaya, marami sa HCWs ang hindi pa natatanggap ang kanilang COVID allowances at iba pang mga benepisyo hanggang ngayon. Maraming­ nurses sa mga pampublikong ospitals ang patuloy na uma­asang matatanggap ang pangako sa kanilang CO­VID allo­wances. Maraming beses nang nag-rally ang iba’t ibang grupo ng HCWs partikular ang nurses subalit ang kanilang kahilingan ay hindi naririnig. Maraming beses silang pinangakuan na ipagkakaloob na ang mga benepisyo subalit nanatiling nakapako ang pangako.

Ang pinakamasaklap, may HCWs na binawasan ang kanilang allowance kaya hindi na buo ang natanggap. At nabunyag na may ilang mayor at barangay officials ang binabawasan ang allowances.

Ang anomalya pagkupit ng allowances ng HCWs ay ibinunyag mismo ng Department of Health (DOH) sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography noong Lunes.

Ayon kay Health Undersecretary Archilles Bravo, nakatanggap sila ng mga report na hindi natanggap ng buo ng healthcare workers ang kanilang allowance. Ayon kay Bravo, kung nakatanggap ng P50,000 ang HCW, ang binibigay lang ng mayor ay P30K o 40K at binubulsa ang P10,000. Ganito rin umano ang gina­gawa­ ng barangay officials.

Kawawa naman ang mga “bayani ng pandemic” na kinukupitan ng mga ganid na mayor at barangay offi­cials. Dapat maimbestigahan ang anomalyang ito. Pagbayarin ang mga ganid na opisyal.

HEALTHWORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with