^

PSN Opinyon

Nasaan ang ‘utak’?

BANAT NI BATUIGAS - Olmin Leyba - Pang-masa

EPEKTIBO ang Oplan Lambat Sibat, Oplan Galugad at Oplan Rody sa unang araw ng pagbubukas ng klase. Nakapaghanda ang mga kabataan ng kanilang mga gamit at maging ang mga magulang ay hindi napuyat sa paggalugad ng kanilang mga anak sa lansangan. Mabisa ang pinairal na curfew sa mga kabataan. Nakapagpahinga rin ang halos lahat ng mga residente squater’s area dahil nabawasan ang mga lasenggero at mga tambay sa kanto matapos na walang humpay na pagroronda ng mga pulis na sinasabayan ng mga barangay tanod. Kaya naman palang patinuin ang mga Pilipino, kailangan lamang pala ay ang katulad na president-elect Rodrigo Duterte. Kumi­kilos ang kapulisan na walang kapalit na pera at maging ang mga barangay officials ay tumalima rito para mapatahimik ang kanilang nasasakupan.

Ang Department of Social Welfare and Development ay naging aktibo dahil sila ang may kargo sa mga menor de edad na nahuhuli sa curfew. Mabigat ang papel ng taga-DSWD sa ngayon dahil ang mga kabataan na na­dadampot sa kalye ay kanilang aarugain hangga’t hindi ito natutubos ng mga magulang. Ang masakit hanggang saan ang kanilang pasensiya? Hanggang kailan kaya nila ito aarugain gayon limitado lamang ang kanilang budget.Ang batang hamog at solvent boys ay mga inabandona na ng kanilang mga magulang. Ito ang mga pasaway sa lansa­ngan na dapat tutukan ni Presidemt Rody sa pag-upo niya sa Malacañang.

Samantala nakakatuwa naman itong report ng Philippine National Police hinggil sa anti-drug drive.  Sa loob kasi ng 28 buwan tinatayang may P13-bilyong halaga ng droga ang kanilang nasamsam  sa walang humpay na anti-illegal drugs operation sa bansa. Ang P13-B na nahakot na droga ay resulta ng 54,886 police operations na nagmula pa noong January 2014 hanggang April 2016 lamang. Ayon sa PNP Directorate for Operation “Significantly, the PNP anti-drug campaign in 2015 posted a 50.56% increase in the number of arrested violators of the RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act; and a 46.22% hike in the number of cases filed in court”. Mula January to April 2016 ay 14,689 drug offenders ang naaresto sa 9,904 police operation. Nitong April naging matagumpay ang tatlong magkakasunod na police operations kung saan nakasamsam ng 99 kilograms na nagkakahalaga ng P465- million. Ngayong first quarter ng 2016 may 228.7 kilos ng shabu ang nasamsam sa 18 suspek na karamihan ay foreigners. Subalit mukhang hindi kuntento si incoming PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa dahil buhay pa ang mga utak ng droga.

ASIAN FOOTBALL CONFEDERATION

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with