^

Probinsiya

Submarine drone ng China bumulaga sa Masbate

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Submarine drone ng China bumulaga sa Masbate
This photo from the Philippine National Police in Bicol shows an underwater drone with Chinese markings, Dec. 30, 2024.
Philippine National Police Regional Office 5 / Released

AFP nag-iimbestiga na...

MANILA, Philippines — Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa narekober na submersible drone na hinihinalang pag-aari ng China na napadpad sa karagatan ng San Pascual, Masbate nitong Bagong Taon.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Col. Xerxes Trinidad, Chief ng AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) matapos namang iturn-over na ng Philippine National Police (PNP) sa kustodya ng Philippine Navy ang submersible drone na natagpuan ng mga ma­ngingisda sa nasabing bayan.

Nitong Enero 1, ay ina­anunsyo ni PNP Region V Director P/Brig. Gen. Andre Dizon, ang pagkakarekober ng 3 lokal na mangingisda sa nasabing submersible drone ay may Chinese markings at isang HY-119 model.

Ang nasabing drone ay may kakayahang magsagawa ng komunikasyon, underwater surveillance, oceanographic research at naval missions.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with