Kim, consistent na absent sa opening ng mga negosyo

Hindi napigilan ni Kim Chiu na maging emosyonal matapos masaksihan ang overwhelming support na natanggap ng kanyang negosyo na House of Little Bunny PH sa pagbubukas ng bagong pop-up store nito sa Cebu noong Nov. 6, 2026.
Bagama’t hindi personal na nakadalo ang aktres sa grand opening, tiniyak naman ng kanyang pamilya na maayos na maisasagawa ang event.
Ang kanyang mga kapatid na sina John Paul Chiu at Wendolyn Chiu, kasama ang brother-in-law niyang si Carlo Anton Suarez, ang personal na nag-asikaso at tumayong kinatawan niya sa nasabing opening.
Matatandaang hindi rin nakapunta ang aktres sa Davao opening noong nakaraang buwan, at ang kanyang mga kapatid ang muling nag-take over para sa kanya.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kim ang video highlights ng Cebu pop-up store opening kung saan makikita ang dagsa ng mga taong dumalo at bumili ng kanilang products.
Hindi maitago ng aktres ang kanyang saya, pride at gratitude sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa kanyang negosyo. “So many emotions all at once. Happiness, pride, an overwhelming feeling of gratitude. My heart is just so, so full,” saad ni Kim.
Personal din niyang pinasalamatan ang kanyang mga kapatid na hindi nagdalawang-isip na tumulong in her absence.
Bukod sa kanyang pamilya, espesyal din ang pasasalamat ni Kim sa kanyang fellow Cebuanos na naglaan ng oras upang puntahan ang kanilang bagong store.
Ayon sa aktres, bawat purchase, kind words, smiles at simpleng gestures ng suporta ay napakalaking bagay para sa kanya.
Hindi rin niya napigilan na balikan kung gaano kalayo na ang narating ng kanyang negosyo.
Inanunsyo rin niya na magbubukas pa siya ng panibagong branch on Nov. 13, and this time, sa Trinoma Mall naman.
Inamin din ni Kim na hindi naging madali ang pagtataguyod ng kanyang negosyo. May mga pagkakataong mabigat ang pressure, pagod at sacrifices na kailangan niyang harapin bilang isang entrepreneur.
Gayunpaman, ang mga ganitong moments at ang nakikitang suporta ng publiko ang nagsisilbing reminder sa kanya kung bakit patuloy siyang lumalaban at nagsisikap.“There are moments when the exhaustion, pressure, and sacrifices feel so heavy, but then I see videos like this and I’m reminded why we keep going. It’s not just about opening stores. It’s about the people, the love, the memories, and the hearts that make this journey so meaningful.
“I may not always find the right words to express how grateful I am, but please know that I carry all this love in my heart,” aniya.
Sa true lang, nakakabilib ang aktres dahil sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng maraming entrepreneurs sa bansa, patuloy niyang pinapalawak ang kanyang negosyo at nagbubukas din siya ng opportunities para sa iba.
- Latest




















