Sunog sumiklab sa Cebu: 63 bahay tupok!

Dahil sa nakasinding kandila
MANILA, Philippines — Umaabot sa 128 pamilya na binubuo ng 513 katao ang naapektuhan matapos maabo sa sunog ang mga kabahayan sa Brgy. Mambaling, Cebu City nitong Undas.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay nagsimula sa isang bahay sa nasabing lugar na mabilis na kumalat at tumupok sa may 63 na kabahayan na umabot sa ikatlong alarma.
Sa imbestigasyon, isang napabayaang kandila na inilagay sa harapan ng isang tahanan ang pinagmulan ng nasabing sunog.
Ayon sa isang residente sa lugar, posibleng nadikit sa isang foam o damit ang kandila na mabilis na nagliyab sa insidente.
Alinsunod sa tradisyon ang pagsisindi ng kandila sa labas ng tahanan tuwing Undas ay nakagawian na ng pamilyang Pilipino pero iginiit ng mga awtoridad na dapat ay may kaukulan itong pagiingat upang maiwasan ang sunog.
Pansamantala namang nanuluyan ang mga apektadong pamilya sa mga evacuation center na ipinagkaloob ng pamahalaang lokal.
- Latest






















