Goodbye Bossing
Simula next season ng PBA, wala nang Blackwater Bossing.
No, dehins sila nagpaalam or nag-disband. Magpapalit lang ng pangalan.
From Bossing, tatawagin na silang Blackwater Razors.
Naikuwento ito ni Blackwater coach Pat Aquino sa Sports Confidential, ang sports talk show ng Abante TV tuwing Biyernes ng 1 p.m.
“Papalitan na,” ang sabi ni coach Pat.
Desisyon daw ito ng super cool team owner na si Dioceldo Sy.
“Puro daw kasi Bossing ang players namin,” ang pabirong sabi ni coach.
Kaya sa bagong pangalan, baka maging mas matalas na ang mga players nila.
Aahitan ang kalaban.
Ousted na ang Blackwater sa PBA Governors’ Cup kung saan nagtala sila ng 3-7 record.
“Sana makabawi sa next season,” sabi ni coach Pat na waiting pa din sa new contract extension niya sa Blackwater.
Boss Dio, pirmahan mo na nga.
- Latest






















