Alice, inaming naging unprofessional!

Inamin ni Alice Dixson na hindi niya masyadong minahal ang trabaho noong kabataan niya. Lagi raw siyang late sa set kaya nagagalit sa kanya ang mga katrabahong artista.
Matapos manalo bilang 1986 Bb. Pilipinas-International, pinasok ni Alice ang pag-arte at ang tingin niya rito ay “fun” at hindi trabaho.
Na-introduce si Alice sa comedy film ng Regal Films na Bobo Cop noong 1988 at sinundan ng Nagbabagang Luha, The Rape of Virginia P. at Isang Araw Walang Diyos. “I did it because it was fun. I didn’t really treat it as work. So, hindi ko minahal at nirespeto ang trabahong ibinigay sa akin as a teenager. I’ve felt that it was, you know, really not work, and I was always late. You don’t respect your katrabaho kapag lagi kang late, ‘cause you’re not respecting their time, so when I was younger I was like that,” kuwento niya.
Party girl din daw si Alice noon at madalas magpuyat kasama ang barkada sa iba’t ibang clubs at disco.
Pero nagbago ang lahat nang mabigyan siya ng second chance na bumalik sa trabaho noong nasa 20s na siya sa tulong ni Mother Lily Monteverde.
Ginawa siyang bida sa pelikulang Dyesebel noong 1990 na naging box-office hit. Sumunod ang mga seryosong roles sa My Other Woman, Emma Salazar Case at Sinungaling Mong Puso. “Doon ko na-realize I really love what I do, I love acting, let me give it the full love and professionalism and care that it should have. And then nag-grew ‘yung pagmamahal ng producers sa akin,” sey ni Alice na nagbida rin sa ilang pelikula ng Viva Films.
Taylor, gumawa ng kasaysayan sa Nashville
Opisyal nang naging pinakabatang songwriter na na-induct sa Nashville Songwriters Hall of Fame si Taylor Swift, matapos parangalan sa edad na 36 sa 56th Anniversary Gala ng organisasyon noong Oct. 26.
Ginanap ang seremonya sa Music City Center sa Nashville bilang pagkilala sa matagal na ambag niya sa songwriting at sa malalim niyang koneksyon sa lungsod kung saan nagsimula ang kanyang music career.
Isa si Taylor sa anim na inductees ng Class of 2026, kasama sina Lyle Lovett, Lee Thomas Miller, Shawn Camp, Bruce Channel at ang yumaong si J.I. Allison.
Last June, na-induct din ang 14-time Grammy winner sa Songwriters Hall of Fame sa New York. Sa edad na 36, siya ang naging pinakabatang babaeng na-induct sa institusyong iyon at pangalawa sa pinakabata sa lahat, kasunod ni Stevie Wonder.
Noong 2022, natanggap din niya ang Songwriter-Artist of the Decade Award mula sa Nashville Songwriters Association International.
Kasalukuyang nasa Billboard Top 100 at #5 ang latest single ni Taylor na Patient Zero.
- Latest


























