^

Metro

Presyo ng bilihin sa Parañaque minomonitor

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Para­ñaque na tuluy-tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng mga pa­ngunahing bilihin laban sa maidudulot ng pabagu-bagong presyo ng gasolina at banta ng malakas na El Niño.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, nagsasagawa ng inspeksyon ang Consumer Welfare Office ng lungsod sa mga establisyimento, kabilang ang mga talipapa, upang matiyak na nasa tamang presyo ang mga pangunahing bilihin at sumusunod ang mga vendor sa regulasyon.

Nabatid na nitong Oktubre 14 nang ikutan ng mga tauhan ng CWO iba’t ibang pamilihan kabilang ang mga talipapa upang alamin ang presyuhan at upang maiwasan ang sobrang paniningil at iba pang iregularidad.

Inaasahan ang mga pagtaas at pagbabago ng mga presyo dahil sa gastos sa transportasyon at distribusyon, habang ang nakaambang El Niño naman ay banta rin sa produksyong pang-agrikultura, dahil ang matagalang tagtuyot ay maaaring magpababa sa ani at malimitahan ang suplay.

Mahalaga, ani Olivarez, na maprotektahan ang purchasing power ng mga pamilya laban sa di makatwirang pagtaas ng presyo.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with