^

PSN Palaro

Chiefs inilusot ni Valencia sa Red Lions

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalpak ni Basti Valencia ang panelyong dala­wang puntos upang akbayan ang Arellano University sa mahirap na 56-55 panalo kontra defending champion San Beda University sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil sa San Juan kagabi.

Lamang ang Red Lions ng isang puntos, 55-54, nagkaroon ng turn over si Aldous Torculas may 32 segundo na lang sa orasan.

Dumiskarte si Valencia, sumalaksak sabay ikot at tumira ng pahiga at swak ang bola dahilan para maagaw ng Chiefs ang lamang, 56-55 may 11 segundo pa sa orasan.

May tsansa sanang masungkit ng San Beda ang panalo subalit nag- mintis sila sa huling tira at nalasap ang pangatlong talo sa walong laro.

Tumikada si Valencia ng pitong puntos at pitong rebounds para sa Arellano na nasolo ang top spot sa Group B ng team standings tangan ang 5-3 baraha,

Maagang naging maligalig ang opensa ng Chiefs kaya nahawakan agad nila ang six-point lead, 17-11 sa pagtatapos ng first quarter.

Nagpatuloy ang Arellano sa pag-garote sa San Beda sa pangunguna ni team captain Valencia kaya lumaki pa ang kanilang lamang sa 13 puntos, 38-25 sa halftime

Samantala, nagwagi ang Lyceum of the Philippines kontra University of Perpetual Help System DALTA, 98-89 upang  mapaganda ang kanilang karta sa 2-5 sa Group A sa unang laro.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with