Tamaraws susuwagin ika-5 dikit na panalo

MANILA, Philippines — Isa sa maiinit na koponan sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament ang Far Eastern University, ito’y dahil sa kanilang four-game winning streak.
Matapos matisod sa unang laro ngayong season ay kumadena ng apat na sunod na panalo ang FEU upang hawakan ang solo liderato sa team standings
Kaya naman walang ibang nasa isipan ng FEU kundi ang suwagin ang University of Sto. Tomas ngayong alas-3 ng hapon sa kanilang sagupaan sa Araneta Coliseum.
Nasikwat ng Tamaraws ang pang-apat na sunod na panalo nang pagpagin nila ang Ateneo de Manila University, 93-70 matapos silang akbayan ni Mo Konateh.
Samantala, pakay ng Growling Tigers na kalsuhan ang two-game losing skid upang mapaganda ng bahagya ang kanilang team standings, kasalukuyang hawak nila ang 2-3 record.
Samantala, magtatapat sa alas-5:30 ng hapan ang University of the Philippines at Adamson University.
- Latest

















