^

PM Sports

Meralco, Blackwater patayan sa krusyal na laro

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi paiiwan ang Meralco at Blackwater sa dikdikang karera para sa natitirang tiket sa Group B ng umiinit na PBA Season 50 Governors’ Cup ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Mag-aagawan sa kru­syal na panalo ang Bolts at Bossing sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng bakbakan ng Talk ‘N Text at sibak ng Macau sa Group A sa alas-5:15 ng hapon.

Kumpleto na ang Top 4 sa Group A tampok ang NLEX (8-2), San Miguel (7-3), TNT (6-4) at Converge (6-4) habang Magnolia palang ang sigurado sa Group B sa hawak na 6-3 baraha sakay ng 5-game winning streak.

Tatlo pa ang hinihintay sa Group B at ito ang nais na manakaw ng Meralco at Blackwater bagama’t nasa laylayan pa sa ngayon sa hawak na 3-5 at 3-4 baraha, ayon sa pagkakasunod.

Kaagaw nila ang Rain or Shine (4-3), Phoenix (4-3) at Ginebra (3-5) sa pitpitang karera upang makumpleto ang crossover quarterfinals kontra sa mga pambato ng Group A.

Unang salang ito ng Bolts ni coach Luigi Trillo sa halos 2 buwan matapos ang 97-88 panalo kontra sa Ginebra noong Agosto 14 bago ang PBA break para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2026 Asian Games at Window 4 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Kapalit ni Antonio Hester, si Jordon Varnado ang ipinarada ng Bolts noon na siya uling sasandalan nila kontra kay Kentrell Barkley ng Blackwater.

Kagagaling lang ng mga bataan ni coach Pat Aquino sa dikit na 107-101 kabiguan kontra sa Magnolia noong nakaraang Biyernes kaya siguradong gigil maiganti ang 116-114 pagkatalo sa Meralco sa 1st round. 

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with