^

PSN Palaro

San Beda ‘di magpapaawat sa Perpetual Help

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
San Beda ‘di magpapaawat sa Perpetual Help
Tangan ang 4-2 record, muling sasandalan ng Red Lions ang bangis ni Aldous Torculas upang masikwat ang panalo sa Altas at ma­pa­lapit sa tuktok ng Group A na kasalukuyang inuupuan ng College of Saint Benilde, (5-1).
STAR / File

MANILA, Philippines — Tangka ng defending champion San Beda Uni­ver­sity na pahabain ang ka­nilang winning streak sa tatlo pagharap nila sa Uni­ver­sity of Perpetual Help System DALTA sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament sa Playtime FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Tangan ang 4-2 record, muling sasandalan ng Red Lions ang bangis ni Aldous Torculas upang masikwat ang panalo sa Altas at ma­pa­lapit sa tuktok ng Group A na kasalukuyang inuupuan ng College of Saint Benilde, (5-1).

Magtutuos ang San Be­da at Perpertual ngayong alas-5 ng hapon pagkatapos ng labanan sa pagitan ng Letran at Lyceum sa alas-3 ng hapon.

Si Torculas ang naging susi sa nakaraang 74-66 overtime win ng San Beda kontra tigasing Letran.

Pumukol si Torculas ng panablang tres para sa 61-61 sa huling 4.1 se­gundo ng fourth period at dahil naging mahigpit ang depensa ng Red Lions ay nauwi sa OT ang laban.

Muling sumalpak ng pa­nelyong tres si Torculas sa extra period para ha­wakan ng San Beda ang 10-point lead, 72-62, may 2:15 minuto sa oras.

“That’s what San Beda basketball is and I think we were able to do that defensively even if we struggled offensively.” sabi ni head coach Yuri Escueta.

Makakatuwang ni Tor­cu­las sina Dan Marcelo at Andrei Ugaddan para sa Red Lions.

Hawak naman ng Altas ang 2-3 baraha at nakaupo sa pangatlong puwesto sa Group B.

Samantala, pakay naman ng Knights na bumangon mula sa masaklap na pagkakadapa para mu­ling sumosyo sa top spot sa Group B.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with