National boxers target Olympic spots

MANILA, Philippines — Matapos ang Asian Games, magiging abala na ang national boxing team upang makahirit ng tiket sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California.
Galing ang mga Pinoy boxers sa masaklap na kampanya sa Asian Games sa Nagoya, Japan kung saan isang pilak na medalya lamang ang naiuwi ng koponan.
Mula ito kay Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam na nagkasya sa pilak matapos matalo sa finals kay Rui Yamaguchi ng Japan sa men’s 55kg division.
Kaya naman desidido ang boxing team na makaresbak upang makahirit ng tiket sa LA Olympics.
Unang lalahukan ng koponan ang 2027 World Boxing Championships sa Astana, Kazakhstan sa Abril.
Nakalaan ang 44 na Olympic spots sa event.
May 14 weight classes ang paglalabanan.
Pito ang sa men’s division at pito rin sa women class.
Maliban kay Paalam, tatarget din ng tiket sa LA Olympics sina Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial at sina Paris Olympics bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Maliban sa World Championships, tatlo pang events ang magiging qualifying para sa LA Olympics.
Isa na ang Asian Boxing Championships na gaganapin sa China at dalawa pang world qualifying tournaments na gaganapin naman sa 2028.
Isa ang boxing sa mga inaasahan ng Team Philippines sa mga nakalipas na Olympics.
- Latest


















