Mga diskarteng dapat na alam mo (Last part)
• Kapag nahilo o nanghina dahil sa init, pumunta agad sa malamig at maaliwalas na lugar. Itigil muna ang ginagawa at huwag magpumilit magtrabaho o ituloy ang pagbiyahe. Minsan kasi, binabale wala ang nararamdaman at iisiping “kaya pa niya” kahit masama na ang pakiramdam.
• Kapag nakagat ng aso o pusa, hugasan agad ang sugat nang mabuti gamit ang sabon, at isahod ang affected area sa dumadaloy na tubig mula sa gripo. Pagkatapos, magpatingin agad para sa rabies assessment.
• Huwag lagyan ng bawang, toothpaste, langis o kung anu-anong “gamot” ang kagat ng hayop. Ang tamang wound washing at agarang medical assessment ang mas mahalaga.
• Kapag may maliit na sugat, linisin muna bago takpan. Huwag basta takpan ang ?aruming sugat dahil maaaring ma-trap ang dumi.
• Kapag may malakas na thunderstorm, iwasang maligo o gumamit ng wired electrical appliances. Ang kidlat ay maaaring magdulot ng electrical hazards sa bahay.
• Huwag sumilong sa ilalim ng puno kapag may thunderstorm. Mas ligtas ang enclosed building o sasakyan kaysa nakatayong mag-isa sa ilalim ng puno.
• Kapag nawawala ang isang kasama sa mataong lugar, huwag basta magkanya-kanyang hanap. Magtakda ng meeting point bago o sa lalong madaling panahon.
• Sa mahabang biyahe, laging may kaunting cash na hiwalay sa wallet. Kapaki-pakinabang ito kapag down ang ATM, internet o electronic payment systems.
• Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at emergency facilities bago pa magkaroon ng sakuna. Kapag oras ng emergency, mas mahirap maghanap ng impormasyon habang nagkakagulo na.
- Latest

















