^

Metro

National Land Use Policy kailangan laban sa sakuna

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Lalo” Matugas na ang pangangailangan­ ng komprehensibong­ pambansang polisiya sa paggamit ng lupa ay makatutulong upang mabawasan ang panganib ng pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang sakuna.

Ayon kay Matugas, chairman ng House Special Committee on Land Use, dapat isaalang-alang ang hazard information sa pagpapasya kung saan itatayo ang mga komunidad, kalsada, paaralan, negosyo at malalaking imprastraktura. Aniya, bagama’t hindi mapipigilan ang bagyo at malalakas na pag-ulan, maaaring mabawasan ang epekto nito sa pamamagitan ng maayos na land use planning.

Sinabi ni Matugas na layunin ng panukalang National Land Use Act na maglatag ng pangmatagalang balangkas na mag-uugnay sa land use planning, disaster risk reduction, panga­ngalaga sa kalikasan, agrikultura, pabahay, imprastraktura at pag-unlad ng ekonomiya.

Binigyang-diin niya na mananatiling maha­laga ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagpaplano para sa kanilang mga komunidad, habang magsisilbing gabay ang pambansang polisiya upang matiyak na ang mga desisyon sa paggamit ng lupa ay naaayon sa kaligtasan, environmental protection at sustainable development.

Naaprubahan na ng House of Representatives ang bersyon nito ng National Land Use Act noong Mayo 5, 2026, habang nakabinbin pa sa Senado ang mga kaukulang panukala. Ayon kay Matugas, mahalaga ang batas upang matiyak na ang disaster resilience ay isinasaa­lang-alang bago pa man itayo ang mga proyekto at pamayanan.

POLICY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with