^

PSN Palaro

San Beda rumesbak sa San Sebastian

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumangon mula sa pagkakadapa ang defen­ding champion San Beda University matapos nilang sakmalin ang 85-55 panalo kontra San Sebastian College sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Palytime FilOil Center sa San Juan, kagabi.

Naging mabalisik sa opensa si Sean Torculas upang tulungan ang Red Lions na ilista ang 3-2 karta at upuan ang No. 3 spot sa Group A ng team stan­dings.

Tumikada si Torculas ng 18 points at anim na rebounds para sa SBU na ibinaon ng todo ang SSC sa ilalim ng team standings, wala pa rin panalo ang huli sa limang  laro.

Ipinaramdang ng Red Lions ang kanilang ba­ngis sa unang dalawang quarters matapos nilang sagpangin ang five-point lead, 41-36 sa halftime.

Pagdating sa second half ay hindi na pinaporma ng Beda ang Baste, tinambakan nila ito para tuluyan sikwatin ang panalo.

Samantala, kinadena ng Emilio Aguinaldo College ang pangalawang sunod na panalo matapos nilang pasukuin ang Lyceum of The Philippines University, 89-79 sa unang laro.

FILOIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with