No allowance?
Olats ang Alas Pilipinas – ang men’s volleyball team natin sa Asian Games sa Japan.
Natalo sa South Korea, China at Chinese-Taipei.
It means no chance na mag-medal. Well, mabigat talaga ang labanan sa Asian Games.
Dehins ito SEA Games.
Pero imbes na ‘yung games ang pag-usapan, naging mainit na topic ang allowance or ang delay sa pagbigay nito.
Nag-viral ang comment ni Bryan Bagunas, ang No. 1 player natin, na nahirapan sila sa training.
Kulang daw sila sa suporta at kailangan pa mangutang ng ibang players para lang makapunta sa ensayo.
Humirit pa ang isa na “talo na, gutom pa.”
Ewan ko lang dahil may baon naman sila sa Nagoya mula sa Philippine Sports Commission na $500 or mahigit P30,000.
Then may extra P6,000 pa sila, gaya ng ibang Pinoy athletes, mula kay PSC chairman Pato Gregorio.
Kung pocket money ko ‘yan sa bakasyon, dehins ako magugutom. May pambili pa ng rubber shoes.
Ano ba ang problema sa Philippine National Volleyball Federation? Mukhang may gapangan na nangyayari.
Ginagamit ang players. At nadadamay ang PSC.
- Latest
















