Pinoy chessers bumawi sa Chess Olympiad

MANILA, Philippines — Nagtala ng magkahiwalay na 3.5-0.5 wins ang men’s at women’s division matapos ang Round 6 ng 46th World Chess Olympiad na nilaro sa Silk Road International Exhibition Centre sa Samarkand, Uzbekistan, Lunes ng gabi.
Ginapi ng men’s team ang Yemen habang niratrat ng women’s squad ang Angola.
Naghatid ng mga importanteng panalo sina International Masters Pau Bersamina at Jem Garcia, kasama si Grandmaster Darwin Laylo sa boards one, three, at four, ayon sa pagkakasunod habang nakipaghatian ng puntos si GM Daniel Quizon Kay IM Al Zendani Zendan sa board two.
Dahil sa mga panalo, sumali ang Pinoy woodpushers sa 33 nations sa 29th place tangan ang tig-walong match points.
Sina Pinay chessers, Mhage Sebastian, WGM Janelle Mae Frayna, at Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza ang nagwagi sa boards one, two, at four, habang tabla naman si WIM Ruelle Canino kay WIM Caxita Esperanca sa board three.
May eight match point din ang women’s team at nakisiksik sila sa 28th place kasama ang 29 na bansa.
Nakabangon ang Team Philippines mula sa pagkakadapa nila sa round 5 laban sa Uzbekistan 2 at sa babaeng Espanyol.
Magkaroon ng isang araw na pahinga sa 11-round tournament kaya magkakaroon ang Team Philippines na makapaghanda sa susunod nilang laro.
Makakatapat ng Filipinos ang Argentines habang makikipagpigaan ng utak ang Filipinas sa Kyrgyzstan sa seventh round ngayong araw.
- Latest

















