Gilas Women didikit sa quarterfinals seat
MANILA, Philippines — Didikit ang Gilas Pilipinas Women sa isang quarterfinal berth sa pagharap sa Hong Kong sa 20th Asian Games women’s 5x5 basketball tournament sa Aichi International Arena sa Japan.
Ngayong alas-9 ng umaga nakatakda ang salpukan ng World No. 30 Gilas Women at No. 105 Hong Kong sa Group B.
Umiskor ang mga Pinay cagers ng kumbinsidong 86-58 panalo sa No. 69 Kazakhstan na tinampukan ng team-high 23 points ni naturalized center Elizabeth Means, ang mga ninuno ay tubong Naga City, Camarines Sur.
“Like, it’s so fun to play with a group of girls who just love basketball so much and we work hard every single day. So, it’s fun that we got to apply it all in the game,” sabi ni Means na unang naglaro sa Gilas Women 3x3 team.
Nagmula naman ang Hong Kong sa 37-114 kabiguan sa host Japan.
Makakatuwang ng 6-foot-1 na si Means sina veterans Janine Pontejos at Afril Bernardino kasama sina Kent Pastrana, Jhazmin Joson, Stefanie Berberabe, Angel Surada at Karl Pingol.
- Latest


















