^

PSN Palaro

Unang Asiad win misyon ng Filipinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatutok ang Phi­lippine women’s national football team sa kanilang unang panalo sa pagsagupa sa Hong Kong sa 20th Asian Games sa Gifu Nagaragawa Stadium sa Japan.

Lalabanan ng mga Pinay booters ang Hong Kong team sa Group G ngayong alas-6 ng gabi.

Nagmula ang Filipinas sa 1-1 draw sa Uzbekistan na tinampukan ng pahabol na goal ni substitute Natalie Collins sa ika-89 minuto ng laro.

Sakaling manaig sa Hong Kong ay lalakas ang tsansa ng Filipinas na makapasok sa quarterfinals.

Sa tournament format, ang top two teams sa bawat grupo ang awtomatikong lalaro sa quarterfinals kasama ang dalawang best third-place teams.

Sa Lunes sasagupain ng Filipinas ang China sa alas-3 ng hapon.

Samantala, haharapin ng Philippine national men’s under-23 team ang Vietnam sa Group C bukas ng alas-3:30 ng hapon sa men’s division.

Nakalasap ang mga Pinoy ng 1-5 kabiguan sa mga Uzbeks sa kanilang unang laro sa Asiad matapos ang 52 taon.

ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with