^

PSN Palaro

Obiena swak sa World Championship

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena swak sa World Championship
EJ Obiena
STAR / File

MANILA, Philippines —  Sapat na ang naging performance ni two-time Olympian EJ Obiena sa IAAF Diamond League athletics meet sa Zurich, Switzerland para magkwalipika sa 2027 World Athletics Championships.

Nagkasya lamang sa ikalimang puwesto si Obiena nang magrehistro ito ng 5.90 metro sa kanyang kampanya.

Nagtala rin ng parehong 5.90m si Chris Nilsen ng Amerika. Ngunit nakuha ng American bet ang ikaapat na puwesto via countback at malaglag sa fifth place si Obiena.

Gayunpaman, sapat na ang 5.90m na naisumite ni Obiena upang pormal na makahirit ng tiket sa prestihiyosong World Athletics Championships na idaraos sa susunod na taon sa Beijing, China.

Naghari sa IAAF Diamond League si reigning world champion, Olympic champion at world record holder Armand Duplantis ng Sweden na naglista ng 6.25 metro.

Pumangalawa si Emmanouil Karalis ng Greece na nagtala rin ng impresibong 6.20m habang pumangatlo si Sondre Guttormsen ng Norway na may 6.0m.

Sa kabila ng kabiguang makapasok sa podium, masaya si Obiena sa kaniang performance.

“5.90m here in Zurich… Thank you @weltklassezurich for always hosting such a wonderful competition. With this I also qualified for next year’s World Championship,” ani Obiena sa kanyang post sa social media.

May season best na 5.91m si Obiena sa taong ito na nakuha nito sa Poland.

Magandang indikasyon ito lalo pa’t naghahanda si Obiena para sa 2026 Asian Games na idaraos sa Nagoya, Japan.

Nakatakdang depensahan ni Obiena ang kaniyang korona sa Asian Games.

EJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with