^

Metro

Holdaper sa dyip nanlaban, sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang armadong holdaper nang manlaban sa gitna ng mabilis na pagresponde ng mga pulis sa panghoholdap sa pasahero ng dyip, sa Muntinlupa City, Martes ng hapon.

Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa ang suspek na si alyas “Eduardo” na nagtamo ng bala sa leeg.

Sa ulat ng Muntinlupa City Police Station, naaresto ang suspek matapos ang habulan sa East Service Road, Barangay Sucat, Muntinlupa City, dakong alas-2:15 ng hapon ng Agosto 11.

Nag-ugat ito sa panghoholdap at panunutok ng baril ng suspek sa 18-anyos na babaeng estudyante at pagtangay sa kanyang cellphone at wallet.

Agad na humingi ng saklolo ang biktima sa “911 hotline’ at agad idinep­loy sina PSSg Lloyd Francisco at PMSg. Alvin Cordero sa tapat ng gasoline station kung saan naganap ang holdapan at itinuro ng biktima ang tumatakas na suspek sa footbridge patungo sa West Service Road.

Sa habulan, nakorner ang suspek at itinutok ang baril sa arresting officers na nauwi sa agawan ng baril upang disarmahan subalit pumutok ito at tumama sa leeg ng suspek. Kinumpiska ang hawak na kalibre .45 pistola na may serial number 171789 na may 5 bala at nabawi ang cp na nagkakahalaga ng P37,000, bag, at wallet ng biktima na

Agad namang itinawag sa Barangay Sucat Medical Team na nagdala sa suspek sa ospital.

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with