^

Metro

MMDA gagamit ng NCAP camera vs basura

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MMDA gagamit ng NCAP camera vs basura
A closed-circuit television camera monitors NCAP violators at the intersection of Quezon Avenue and EDSA in Quezon City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines —  Gagamit na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga CCTV camera na katulad ng ginagamit sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) upang matukoy at mahuli ang mga nagtatapon ng basura kung saan-saan.

Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, mayroon nang 32 camera na inilalagay sa mga estero na natukoy na madalas gawing tapunan ng basura. Dahil dito, ilan umano sa mga residente ang tumigil na sa maling pagtatapon matapos malaman na mino-mo­nitor ang kanilang lugar.

Sinabi ng MMDA, nakalikom sila ng walong cubic meters ng basura sa Vitas Pumping Station noong Miyerkules at ka­ragdagang apat na cubic meters noong Huwebes.

Ipinaliwanag ni Vitas Pumping Station Plant Manager Jude Erick Paz na ang mga basurang itinatapon sa kalsada ay napupunta sa mga inlet at pangunahing drainage tulad ng Estero de Vitas. Naiipon ang basura sa mga screen ng pumping station at bumabara rito, kaya napipilitang ihinto pansamantala ang operasyon upang linisin ang mga ito.

May mahigit 70 pum­ping station ang MMDA sa Metro Manila para makatulong sa pagbawas ng baha, ngunit ayon sa ahensiya, nakahahadlang ang maling pagtatapon ng basura sa mabilis na pagdaloy at paglabas ng tubig patungo sa dagat. Pinag-aaralan na rin ang mas mabibigat na parusa laban sa mga mapapatuna­yang nagtatapon ng ba­sura nang iresponsabl­e.

MMDA

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with