^

PSN Palaro

Eala martsa sa last 32

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala martsa sa last 32

Binawian si Parks

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ni Alex Eala matapos patumbahin si Alycia Parks ng Amerika sa bendisyon ng 6-1, 4-6, 6-2 desisyon upang magarbong simulan ang kanyang kampanya sa National Bank Open sa Sobeys Stadium Centre Court sa Toronto, Canada.

Agad na inilabas ni Eala ang bagsik nito para makuha ang first set.

Nagawang makapalag ni Parks sa second set gamit ang matatalim na serves para makahirit deciding third frame.

Subalit mabilis na buma­ngon si Eala nang ilatag nito ang solidong baseline shots at crosscourt backhand para makuha ang panalo.

Matamis na resbak ito para kay Eala dahil si Parks ang nagpatalsik sa kanya sa first round ng Australian Open noong Enero sa iskor na 6-0, 3-6, 2-6.

Dinumog ang venue ng libong Pinoy fans sa Toronto.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Eala sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo ito maglaro.

“There are so many Filipinos in the crowd tonight. So many flags. I am eternally grateful. I just came off Washington, and I feel that is a celebration,” ani Eala.

Hindi nakitaan ng pagod si Eala na sariwa pa sa matamis na kampeonato sa Mubadala DC Open sa Washington DC noong Martes.

“Alam n’yo, ‘yung linggo, linggo ko kayong nakikita at sinusuportahan n’yo ako. Linggo-linggo ko rin nakikita kung gaano n’yo mahal ang kapwa n’yo Pinoy,” ani Eala.

Hindi naman matutuloy ang inaabangang rematch nina Eala at reigning Wimbledon champion Linda Noskova.

Tinalo si Noskova ni American netter Caty McNally sa pamamagitan ng 7-6 (5), 6-1 desisyon.

Makakasagupa ni Eala si McNally sa Round of 32 na lalaruin sa Sabado.

Sasabak naman nga­yong araw si Eala sa doubles event kasama si dating Grand Slam champion Venus Williams.

Makakaharap nina Eala at Williams sina Liudmila Samsonova at Miyu Kato sa Round of 32 sa alas-8:10 ng umaga (oras sa Maynila).

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with