Santiago lalaro sa San Francisco Signal
MANILA, Philippines — Isang bagong team ang lalaruan ni Jaja Santiago sa Amerika sa pagsisimula ng bagong season nito.
Hinugot ang dating National University standout ng San Francisco Signal na maglalaro sa 2027 League One Volleyball.
Bagong team ang San Francisco Signal na binubuo ng iba’t ibang players mula sa international team.
Kasama ni Santiago sa San Francisco Signal si Pornpun Guedpard na setter ng Thailand women’s national volleyball team.
Lalaro rin si Kelsey Cook na bahagi ng US national team na nakasungkit ng gintong medalya sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Pasok din si MJ Wang ng China na may malalim din na karanasan dahil dalawang beses itong naglaro sa Olympics gayundin si Halimatou Bah ng France na isa ring Olympian at sina Ella May Powell, Carter Booth, Kara Hallock at Serena Gray.
“These athletes are more than extraordinary competitors. They’re the first to shape our identity, build our culture, and write the opening chapter of Signal history,” ayon sa post ng SF Signal.
- Latest



















